KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang kabanatang
ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng
Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta,
Quezon” ay naglalaman ng banyagang literatura, banyagang pag-aaral, lokal na
pag-aaral at lokalna literaturang mula sa mga aklat, journal, nalathala at
hindi nailathalang tesis at ibapang lathalain na nagbigay ng mga impormasyon na
nagamit ng mga mananaliksikkaugnay sa nasabing paksa.
BANYAGANG
LITERATURA
Sa
aklat ni Weinrich na may titulong Language in Contact, ipinaliwanag
ni Marine(1998) na ang panglinggwistikang mga pagkakaiba (diversity) ay
nagsimula sa sarilinglahi, sa katangian ng isang tao. Hindi kailangang sabihin
na ang isang tao ay laranganng pagtutunggali sa panglinggwistikang uri at
gawi.Si Weinrich (1998) ay naniniwalang maliit man o malaki ang pagkakaiba o pagkakatulad
ng mga wika na ginagamit ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan ay dapat na lubusang
mailahad sa bawat larangan sa ponema, balarila at mga salita bilang pang-unang
kailangan sa pagsusuri ng mga balakid.Ipinahayag ni Contreras noong 1994 sa
kanyang nilimbag na lathalain nanaipalabas sa Readers Digest Vol.10, No.5 ang
katangian ng isang bakla. Sapamamagitan nito, karagdagang unawa ang kailangang
matamo ukol sa pagkakaroon salipunan ng mga bakla o gay. variety kadalasan pa
ay mix-mix o Taglish Variety ang ginagamit. Inilahad ni Phillips (1990) sa
wikang Ingles na ang homosexual sa Amerika aymahilig gumamit ng mga swards
lingo na kung saan kalimitan ay para lamang sakanilang pangkat na mamamayan.
Ipinahayag ni Conteras (1994) sa kanyang nilimbagna lathalain na ipinalabas sa
Readers Digest Vol.10, No.5 ang katangian ng isang gay obakla. Sa pamamagitan
nito, karagdagang unawa ang kinakailangang matamo ukol sapagkakaroon sa lipunan
ng mga bakla.Sinabi naman ni Benjamin (1996) na ang swards lingo ay nauso
lamang dahilang mga bakla ay nagnanais na matamo ang kalayaan at ang
pang-unawang lipunan.Ipinahayag ni Umali (1991) na ang ating wikang Filipino
ang pinagbabayan ngkaalaman na dapat maiukol at maipasok sa kaisipang ng bawat
mag-aaral. Ito ay isangmayamang batayan ng karunungan na maibabahagi sa bawat
mag-aaral. Ito ay isangmayamang pahayagan na naibahagi ang balita at kultura sa
bunog kapuluan namaunlad at nakararating sa pinakaabang nasa ng bansa. Ang mga
babasahing nakikiisasa bawat nilikhang kayumanggi ay dapat pang bigyang diin
upang mapalawak sapamamagitan ng wika. Sa wika madaling maipahayag ang nais na
maipadaman atmaipahayag ng nagsasalita nito.Ipinahayag naman ni Bay (1987) na
ang nagsasalita ay isang masining naparaan ng pagpapahayag ng iniisip,
nadarama, niloloob at nakikita o naguguni-guni.Samakatuwid, ang pagsasalita ay
nagbibigay ng isang sitwasyong kinalalagyan ngdisiplinang intelektwal
o pagkamalikhain.
Ang gawaing pagsasalita ang sinasabing pinakamahalaga na dapat linangin ngmga
mag-aaral sa pang-unawa ng kanilang sinasabi o ipinapahayag sa pamamagitankung
paano sila lilikha ng mga talasalitaan o salita upang makabuo ng
isangpangunahing diwa.Sa isang seminar, winika ni Papa (1987) ang ganito: “Ang pangunahing layunin ng pagtuturo ng wika ay ang
kasanayang magagamit ito ng buong bukas sa aktwal at angkop nasitwasyon. Hindi
lamang kaalaman sa mga kayariang panglinggwistikaang dapat matutuhan ng mga
mag-aaral, kundi lalo’t higit ang kasanayang magamit ito sa angkop na
pagkakataon at tamang
paraan.”
Ayon
naman kay Sebastian (1982), ang iba pang suliranin sa pagpapalaganap at pagtuturo
ng wika sa mga saligan at batayang aklat at karaniwang pagdampu’t- damputang
mga guro sa pagbibigay ng paksang aralin.Binigyang diin ni Paz (1993), na
mula sa pagkabata ay may wikang katutubotayong natututuhan at ginagamit natin
ito sa pakikipagtalastasan sa mga kamag-anak atkomunidad. Maaaring
sa sa mga kamag-anak at komunidad. Maaaring isa sa mgatagalog
,ilocano, cebuano, o mas maliit na grupo gaya ng bagobo, kalinga at iba pa.
angkaramihan ay marunong din ng wikang rehiyunal, gaya ng Ilocos na ginagamit
sa norte.Cebuano sa isang parte ng Bisayas at Mindanao, Tagalog sa Gitnang
Luzon at iba pa.Bukod dito, sila ay marunong ngayon ng wikang Filipino na
ginagamit ngayon sa sentrong kalakalan.
Ang mabilis na pagunlad ng sibilisasyon ayon kay Sauco (1990) ay batay sakakayahan
ng taong makibahagi sa karanasan ng kapwa, makipagpalitan ng ideya atmag- ambag
pa ng karanasan sa mga sumusunod pang saling lahi. Ang Gay Lingo ayon pa kay Talde (1993) ay para lamang sa mga minoryang
pangkat tulad ng mga gay na noo’y payak, tago at marunong mahiya subalit sa pagdaan
ng maraming panahon ay naging mapusok.Sa isang Ingles na magasin, ang artikulo
ni Fortich (1991) na nagsasaad ng mgasitwasyon at reaksyon ng mga bakla bilang
tao ay naglalarawan ng hindi maipaliwanagna pag-iwas sa kapwa; takot sa mga
pang-uuyam at pag-aalipusta, damdamin naparang ang kanilang kaluluwa sa waring
walang katapusang kapighatian. Wala silangmasilungan ni mahingan ng tulong.
Kaya sa paghihimagsik ng kanilang kalooban narerelease lamang ang kanilang
damdamin kung sila’y magsasalita ng gay lingo. Sa ganitong paraan, naaalpasan
nang nila ang mga alalahanin at paghihimagsik nangwalang nasasaktan.Sa aklat ni
Holmes (1993) inilahad niya sa pamamagitan ng kompilasyon(compilation) ng mga
liham ng mga momosekswal ang mga problemang kanilangnararanasan tulad ng
pagtatago sa kabinet o closet, pagiging biktima ng homophobia,paghaharap ng
katapat na relasyo at hindi pagtanggap ng lipunan at simbahan sa kanila.Nasabi
rin niya na dahil sa mga problemang nabanggit kaya nagawa nila ang mgawikang
nagkukubli ng kanilang hinanakit.Sa isa ring artikulo ng magasin,
ipinaliwanag at binigyang pagtatanggol nina Joseat Meily (1984) ang kapakanan
ng mga homosekswal, na kung sila man ay gumagawa ng sariling daigdig na may
sariling wika ay sa dahilang kahit ang mga magulang nakanilang inaasahang
mangangalaga at magtatanggol sa kanila ay nasusuklam rin atikinakahiya sila.
Kaya nararamdaman nilang sila ay hindi tinatanggap at waring hindikabilang sa
mundo.Ipinaliwanag na nangingibabaw pa rin na ang pinagbabatayan ay angpagkakalalang
sa unang lalaki at babae. Gayundin, kinokundina rin ng lipunan ang mgasalitang
gay lingo ay hindi pinahihintulutan ng diyos na makapangyarihan dahil walaitong
orihinal na pinagmulan.Gayunman, ang gay lingo na umiiral ngayon sa ngayon ay
binigyang katwiran ni Galang(1998) sa kanyang isang artukulong isinulat. Sinabi
ng may-akda
na: “The gay language is a natural offshoot of the sub-culturecreated
by the members of the third sex. Just as the social outcasts ofEngland have
given birth to the punk sub-culture as a form of rebellionagainst the
straight-laced English society to which they could not conform,homosexuals,
precisely because they belong to neither male or female sex,have to
create a world entirely their own to in order to feel even a
semblance
of that elusive sense of belonging.” Binigyang–diin ni Rogers (1990)
na ang kaisipan ng isang indibidwal ukol sa sariliay binubuo ng lahat ng mga
ideya, kakayahan at kahalagahang maaakalang nasa kanya at ito’y nagbibigay
imluwensya upang kumilos batay sa pananaw na ito. Ang ganitongkaisipan ang
humuhubog sa bakla upang magpahayag siya ng sarili na hindi maririnig
omauunawaan ng karaniwang kasarian. Kaya gumagamit siya ng gay lingo
na ang naka-uunawa ay kapwa bakla o mga taong tumatanggap sa kanila.
BANYAGANG PAG-AARAL
Ayon kay Ball (1998) sa kanyang
pag-aaral na may pamagat na Dictionaries andIdeology: The Treatment of Gays,
lesbians and Bisexuals in lexicographic works
na:“There are two different but related approaches to the study of
theinfluence of language structure on cognitive processes and other
symbolicallymediated behavior. One approach deals with the generic function of
language inshaping cognitive processes, while the other is concerned with the
comparativeproblem of how lexical and grammatical differences among languages systematically
relate to differences in the cognitive processes of their speakers.”
Ayon dito, may dalawang pagkakaiba subalit may kinalaman sa kung paanonaiimpluwensyahan
ang istruktura ng wika sa kognitibong proseso at ibang simbolikongpagkilos. May
pagkakatulad at pagkakaiba sa kung paanong nag-iisip ang tagapagsalitabatay sa
kanilang personalidad halimbawa na lamang ang tagapagsalita na
nasa ikatlongkasarian. Ayon naman kay Baker
(2000) sa kanyang papel na may pamagat na Construc- ting
Polari-Speaking Gay Identities: The Triangulation Approach na:“It
has become descriptive of the overall experience of life in the
gaycommunity, includes names for common words that have no exclusive relation
tothe culture. Most of the middle aged gays seemed to be aware of gay
life, identity and culture in the West.”
Ayon
dito, nagkaroon na ng deskriptibo sa kabuuan ng mga karanasan sakomunidad
ng mga bakla, kasama na dito ang mga salitang hindi eksklusibo sa
pangaraw-araw na pamumuhay. Ayon naman kay Troiden (1979) sa kanyang
pag-aaral na may pamagat na Becoming homosexuals. Research on
acquiring a gay identity na:“There are also people who still
think of homosexuality as a disease and therefore as contigious, even
if this view has long been drunked…and bystudying sexuality and gender,
they will be able to free themselves from their prescribed roles
in society.”
Ayon dito, sa
pag-aaral ng kasarian, maaaring magkaroon ng kalayaan angbawat isa na
gumalaw sa kanyang lipunan tulad ng mga bakla sa lipunan.
LOKAL
NA LITERATURA
Nagbigay
ng kongklusyon si Baytan (2002) sa kanyang librong “Language, Sex,and Insults:
Notes on Garcia and Remoto’s The Gay Dict” na ang pag-unlad ng wikangbakla sa
Pilipinas sa halos mga taon ay isang uri ng defens mechanism
namakipagtalastasan sa paraang pasalita. Ayon naman
kay Siguitan (2008) sa kanyang ginawang dyornal
na may titulong “A Semantic Look at Feminine Sex and
Gender Terms in Philippine Gay Lingo” ang gaylingo tulad ng ibang
wika ay patuloy ring nagbabago. Subalit hindi katulad ng ibang wikaang mga
salita at terminolohiya nito ay mabilis na naipopro seso at hindi makikita sa diksyunaryo
nang agad-agad at kung may sinulid na humahawak sa wikang ito paramabuo, iyon
ay ang kalayaan: kalayaan sa mga batas at dikta ng lipunan.
Si
Murphy Red (1996) naman, ayon sa kanyang article na “Gayspeak in the Nineties”
ay nagbigay ng magandang pagbabalik -tanaw sa wikang bakla sa
Pilipinas,isinaad niya dito na kahit mismo sa wikang bakla, ang mga bakla ay
walangpinaghahawakang alituntunin. Buhat sa mga lumabas na pag-aaral tungkol sa
wikangbakla o gay Lingo sa lokal at internasyunal na konteksto na ang gay Lingo
ay wika ngmarginalisadong sektor ayon kay Suguitan (2005).Kaugnay dito, sinabi
ni Cruz (2006) sa kanyang column na may pamagat na “Don we now our
gay apparel ” na na nailimbag ng Philippine Star press ay:
“...At ang mga paaralan
ngayon ay nababalot na ng paglaganap ng ikatlong uri o mga
bakla. Isang araw, habang naglalakad ako sabandang university belt, napadaan sa
harapan ko ang grupo ng mgakalalakihang nagbibiruan habang sinabi ng isang
lalaki sa seryosongparaan. Aalis na ako. Magpapasuso pa ako!. Ang ganoong pananalita
aylaganap na sa paaralan ng lima kong anak na lalaki noong dekada ’70 habang
ang mga estudyante ay maskuladong lahat. Ngayon, karamihansa mga estudyante ay
bakla at hindi ko ibig sabihing masaya ako.Marahil ay naimpluwensyahan na sila
ng mga palabas katulad ngBrokeback Mountains, ang gawa sa Pilipinas o ating
atin na AngPagdadalaga ni Maximo Oliveros, Queer Eye for the Straight Guy at
iba pa.”
Sa pahayag na ito ni Cruz (2006)
nilalaman na maging sa paaralan aylaganap na rin ang paggamit ng wikang bakla.
Idinagdag pa niya ang mga salik nasa tingin niya ay nakaimpluwensya
ng pag-usbong nito sa nasabing paaralan.
LOKAL
NA PAG-AARAL
May mga pag-aaral din na isinagawa
hinggil sa paksang may kinalaman sa GayLingo sa Pilipinas. Sinasakop ng mga
nasabing pag-aara ang suliranin, layunin at ibapang may kinalaman sa Gay
Lingo.Isang Pagsusuri sa gay Lingua ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Sining
at Agham ng University of the
East ni Rosalie M. Galicia ng Manuel L. Quezon
Universitytaong 2001. Ayon sa kanyang pag-aaral:
“Ang
salitang gay lengua na madalas gamitin ng mga mag-aaralay mga salitang
repleksyon sa pang-araw-araw na buhay ng isangmag-aaral. Malaki ang papel na
ginagampanan ng kasarian sapaggamit ng gay lingo at nagpapapatunay lamang na
popular ang paggamit ng gay lingo sa mga kababaihan.”
Ayon naman sa pag-aaral ni Miko
D. santos na may Pamangat na Ang Gay lingosa Panahon ng impormasyon
taong 2007 ay nagsaad na :“ Ang panahon ng Impormasyon at ang yumayabong na
wika ng mga bading, ang sward language o gay lingo, lahat ay sa konteksto ng Pilipinas.”